CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

          Labing-isang bansa mula sa South East Asia kabilang na ang Pilipinas ang kasalukuyang nagtatagisan sa larangan ng sports sa Singapore simula June 1 – 16, 2015.  Limang ginto ang nakuha ng Pilipinas sa isang araw mula sa ibat-ibang sports discipline na nag-angat sa ating bansa para makuha ang  ika-anim na puwesto sa overall standing.  Nangunguna pa  din ang bansang Singapore, Thailand, Vietnam, Malaysia at Indonesia sa kabuoan, subalit umaasa pa din ang Pilipinas na makakuha pa ng walong medalyang ginto sa larangan ng boxing finals sa araw na ito.

 

        Sa katatapos na laban ngayong araw ding ito, nagwagi  ng Gold Medal si JOSIE GABUCO,  28 years old, mula sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City, sa larong boxing light-flyweight division laban sa isang Thailander-Raksat Chutamat.

 

       Si Ms. Josie Gabuco ay nasa ilalim ng coaching staff nina Mr. Romeo Brin mula naman sa Barangay San Rafael, Puerto Princesa City, na kilala din na isang sikat na boksingero at isang dating Olympian. Nagsimula si Ms. Gabuco ng kanyang boxing career sa Puerto Princesa City at kasapi ng Amateur Boxing Association of the Philippines-Palawan sa pamumuno ni Konsehal Rogelio Castro.

 

      Isang mainit na pagbati ang ipina-aabot ni MAYOR LUCILO R. BAYRON sa kanya at sa kanyang pamilya, sa karangalang naibigay niya hindi lamang sa siyudad kundi maging sa buong bansa.(cio)

 

Article Type: 
Categories: