CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Abala na ngayong lingong ito ang tangapan ng City Enro sa pamumuno ni Tutu Almonte, hepe ng nasabing departamento. Naisaayos na umano ang lugar ng pagtataniman habang isinasagawa na rin ang paghahakot ng mga seedlings na may kabuuang 60 to 80 thousand seedlings na itatanim sa inihandang walo (8) hangang sampung (10) ektarya at ito ay isasagawa sa Sta. Lucia Hot Spring bilang paghahanda sa Silver Year Celebration sa darating na Hunyo a bente-siyete  ng taong kasalukuyan.

 

     Layunin nito na mapayabong ang mga kakahuyan sa nasabing lugar at ng mapangalagaan ang nasabing yaman ng Lungsod. Ito na lamang ang natitirang hot spring na pag-aari ng syudad matapos naibente sa pribadong korporasyon ang hot spring na matatagpuan sa Sta. Lourdes ng nagdaang administrasyon. Kakaiba ang tubig nito na matatagpuan dito na may halong alkaliane ayon sa mga ekspertong nagsagawa ng pananaliksik. Ilan lamang umano ito sa buong mundo.

 

     Hingil dito, ipinaabot ni Tutu Almonte ang pag-anyaya sa ating mga kababayan na makiisa at ipadama ang pagmamahal natin sa inang kalikasan. Idinagdag pa ni Almonte na hindi na lingid umano sa ating mga kababayan na lalo nang lumalala ang init na ating nararamdaman dulot ng climate change kaya’t napapanahon na upang tayo ay magkaiisa, lumabas at magtanim ng mga punong kahoy upang maibsan ang nadarama nating init na dulot ng panahon.(tess rodriguez)

 

 

Article Type: 
Categories: