CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Marso 16 (PIA) -- Nakatakdang pasinayaan ang Sabang Water system Project Phase II ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) sa pangunguna nina Puerto Princesa City Mayor Edward S. Hagedorn at Vice Mayor Lucilo Bayron.
Sinimulan noong Hunyo 2010 at pinondohan ng PPCWD ang nabanggit na proyekto na may  halagang P3.6 milyon. Napapaloob sa proyekto ang konstruksiyon ng 77 cubic meter reservoir, 1.47-kilometer distribution line at deep well pumping station na siyang magsisilbing back-up source sakaling bumaba ang lebel ng ilog na siyang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig.
 
Sa kasalukuyan ay  mayroon ng 46 active connections ang nasabing water system at inaasahang dadami pa ito sa susunod na mga buwan dahil sa patuloy na pagtatayo ng mga establisyemento sa lugar at pagdami ng bilang ng mga turista matapos na mapabilang ang Underground River sa New Seven Wonders of Nature.
 
Inaasahang dadaluhanrin ito ng mga opisyal ng barangay Cabayugan at mga kinatawan mula sa mga katutubo at Certificate of Ancestral Domain Claim (CADC) holders sa naturang lugar. (LBR/OCJ-PIA4B Palawan)
 
By Orlan C. Jabagat

Article Type: 
Categories: