CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Marso 19 (PIA) -- Isasagawa ng Crop Science Society of the Philippines (CSSP) ang ika-42nd Scientific Conference sa Abril 16 hanggang 21 sa A&A Plaza Hotel, lungsod na ito.

Ang tema ng kumperensiya sa taong ito ay “Linking Crop Science Technology and Farmers Towards Sustainable Agricultural Productivity.”

Layunin nito na matugunan ang mga pangangailangan ng bansa at epektibong maiparating ang crop science technology sa mga magsasaka.

Sa nasabing kumperensiya ay ipipresenta ng grupo ang mga mahahalagang pag-aaral na naisagawa sa pamamagitan ng scientific crop research na makakatulong para maitaas ang ani ng mga magsasaka.

Magkakaroon din ng agriculture entrepreneur forum sa pagitan ng mga scientist mula sa buong bansa upang gabayan ang mga magsasaka ng lungsod at lalawigan sa mga problema sa mangga, palay, niyog, rubber tree, palm oil, gayundin sa mga cut flowers.

Ang kumperensiya ay bukas para sa lahat ng mga interesado sa crop science tulad ng mga magsasaka, guro, mga mag-aaral sa agrikultura, siyentipiko at mga mananaliksik.

Ang itinakdang registration fee para sa nasabing kumperensiya ay nagkakahalaga ng P4,000 bawat partisipante. Sa mga interesado, maaaring makipag-ugnayan sa Puerto Princesa City Agriculturist Office sa telepono bilang (048) 433-2016. (TBO/OCJ-PIA4B Palawan)

By Orlan C. Jabagat