CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Mar. 27 (PIA) -- Palalakasin at paiigtingin pa ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ang pangangalaga sa watershed nito sa pamamagitan ng pakikipagsanib sa ibang mga institusyon at organisasyon sa lunsod.

Sa isang panayam, inimbitahan ni Antonio Romasanta, PPCWD general manager ang mga ahensya ng gobyerno at yung mga non-government organizations na makipagtulungan sa kanila sa regular na tree planting sa sariling planting site na itatalaga sa kanila.

Sa pamamagitan ng sariling planting site, mapapayabong ng naturang ahensya o organisasyon ang kabundukan sa regular na pagsasagawa ng tree planting buwan-buwan at hindi lamang kung Pista y ang Cagueban (Feast of the Forest) taon-taon.

Sinabi ni Romasanta na ang pang-matagalang pangangalaga sa watershed ay komitment ng sambayanan at hindi lamang ng mga konsumedor ng serbisyo ng PPCWD.

Anya, may ilan na ding ahensya ang nakisanib sa kanilang adhikain sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement tulad ng Development Bank of the Philippines, Philippine National Police, Alpha Phi Omega, at ang pinakabago ay ang Rotary Club of Puerto Princesa. (LBR/VSM/PIA-Palawan)

By Victoria Asuncion S. Mendoza

 

Article Type: 
Categories: