CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Panauhing pandangal si Mayor Edward S. Hagedorn sa pagpasinaya ng bagong tayong gusali ng City Register of Deeds noong Hulyo 5, 2012. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng punong lungsod ang pamunuan ng Land Registration Authority sa konstruksiyon ng malawa na tanggapan . Akma din aniya ang pagkakaroon nito ng mga makabanggong kagamitang pang teknolohiya na magagamit sa pagpoproseso ng mga dokumento na may kinalaman sa pagpapatitulo ng mga lupa . Pinangunahan din niya na asahan ng tanggapan na dadami ang mga kliyente nila dahil sa bumibilis na ekonomiya ng Puerto Princesa dahil sa nagdaratingan mga imbestor na mamumuhunan ng negosyo dito. Hinikayat ng alkalde na sana ay pagserbisyuhan ang mga tao ng mabuti at mabilis.
Magkaugnay ang talumpati ni Mayor Hagedorn sa mga mensahe ng iba pang tagapagsalita. Tinuran ni Land Registration Authority Administrator Eulalio C. Diaz na napapanahon na upang makipagsabayan sa pagbabago ng teknolohiya . Binati nya rin ang mga tauhan ng lokal na tanggapan na karangalan nila na maging bahagi sa pagbabagong isinasagawa na maipagmamalaki nila sa kanilang pagtanda. Dagdag pa niya na ang mahalaga sa “computerization “ ay ang mga taong gumaganap dito dahil sila ang pinakamahalagang aspeto ng tanggapan.
Pinangalawahan ni Atty. Ronald Ortile, LRA Deputy Administrator ang sinabi ng LRA Administrator. Ayon sa kanya , meron mang magandang teknolohiya ngunit ito ay kasangkapan lamang , ang kailangan ay dedikasyon at buong pusong debosyon sa paglilingkod.
Siniguro naman ni G. Delfin Hallare, Jr. , Presidente ng LR System Inc. na maiibsan ang mga problema sa pagpapatitulo sa lupoa sa pamamagitan ng “computerization”. Handa umano ang kanyang opisina na tumulong upang maisaayos ang mga problemang masasalubong sa pagpapatupad ng nito. ang“computerization” ay makakapagprotekta din umano sa pagkawala ng kopya ng titulo na sanhi ng apoy, baha at iba pang mga kadahilanan. Ipinangako rin niya na darating ang oras na makikita na ang kopya ng mga titulo sa internet.
Dinaluhan din ang okasyon nina Former LRA Deputy Administrator Ofelia Abueg-Sta. Maria na dati ng naging City Register of Deeds ng Puerto Princesa City. Kagawad Jimmy Carbonell, mga opisyales ng mga lokal na pamahalaan sa Palawan . Naging punong abala ng gawain sinaPuerto Princesa City Register of Deeds Atty. Ma. Rachel Fe Fabros-Dilig kaagapay ang mga kapwa empleyado . Matatagpuan ang bagong opisina nila na nasa likod ng Justice Hall katabi ng tanggapan ng City Social Welfare and Development. (Amie Bonales)

Article Type: 
Categories: