CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Marso 21 (PIA) -- Nakalikom ng 20,000 aklat ang isinagawang 3-kilometer charity book run ng The Junior Chamber International Philippines Palawan Region at ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa kamakailan na pinamagatang MP4: Makabuluhang Pagtakbo at Pagtulong Para sa mga Paaralan.

Ito ang kauna-unahang book run na naisagawa sa kasaysayan ng lungsod at ng lalawigan. Dinaluhan ito ng mahigit na 800 partisipante sa book run na mula sa iba’t-ibang sektor ng lungsod.

Apat na mga paaralang pampubliko matatagpuan sa mga liblib na bahagi ng lungsod ang napili ng City Schools Division ng Kagawaran ng Edukasyon ang mabebenipisyuhan ng nalikom na mga aklat. Ito ay ang Cabayugan National High School, Tagumpay National High School, Napsan Elementary School at ang Langogan Elementary School.

Ipapamahagi ang mga aklat sa buwan ng Hunyo para sa mga silid aklatan ng nabanggit na mga paaralan na ilalagay ng Puerto Princesa Peacock Jaycees.

Pinasalamatan naman ni Clarinda Catimpo, MP4 Chairperson ng nasabing proyekto at public relations officer ng Peacock Jaycees ang lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Ayon kay Catimpo, malaki ang maitutulong ng mga aklat na ito sa pag-aaral ng mga estudyante sa mga liblib na lugar na walang koneksyon ng Internet. (TBO/OCJ-PIA4B Palawan)

By Orlan C. Jabagat

 

Article Type: