CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Marso 1 (PIA) -- Walong bar examinees mula sa Palawan ang nakapasa sa bar exams na isinagawa noong Nobyembre 2011.

Ang mga bagong abogadong ito na sina Edward Mark Barrone, Christine Gonzales, Dennise Fidel, Glenda Josol, Carlos Llanegez III, Ma. Katrina Obrero, Crytal May Rabanal Padon at Eugena Palanca ay nagsipagtapos sa Palawan State University School of Law.

Ayon sa pamunuan ng PSU School of Law, ito ay isang malaking karangalan para sa lalawigan at lungsod ng Puerto Princesa at patunay lamang sa kalidad ng pagtuturo ng unibersidad.

Sa pagkakapasa ng mga nasabing mga nagsipagtapos, tumaas ang passing rate ng PSU School of Law na naging 53.33 porsiyento. Samantala noong nakalipas na taon apat lamang ang pumasa sa 20 kumuha ng bar exam.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng pamunuan ng nasabing unibersidad ang isasagawang selebrasyon at pagbubunyi para sa walong mga bagong abogado. (TBO/OCJ-PIA4B Palawan)

By Orlan C. Jabagat

 

Article Type: 
Categories: