CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Marso 30 (PIA) -- Aabot sa 500 na mga puno ang naitanim ng mga mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa sa pagdiriwang ng World Water Day noong Marso 2 sa Irawan Watershed.
Nakiisa sa pagtatanim ang mga kalahok ng Fun Ride na inorganisa ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD), mga kawani ng nasabing tanggapan at mga kasapi ng iba’t-ibang organisasyon sa lungsod.
Ang Fun Ride na nagmula sa Baywalk Area hanggang Campo Uno, Bgy. Irawan ay nilahukan ng may 165 nagbibisikleta mula sa grupo ng City Police Office, Western Command, 570th Composite Tactical Wing, 26 bikers mula sa Department of Public Works and Highways, Provincial Government (capitol bikers), Bike for Health ng city government, Bomalabs, Hard core at Puerto Princesa Mountain Bikers Society at 70 empleyado mula sa City Water District.
Kasabay din ng pagdiriwang ang paglalagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ni General Manager Antonio Jesus R. Romasanta bilang kinatawan ng PPCWD at ni Vic Acosta bilang kinatawan ng Rotary Club of Puerto Princesa para sa Adopt-a-Planting Site program.
Hinikayat naman ni Dir. Maylene Ballares ang mga mamayan ng Puerto Princesa na suportahan ang mga proyekto ng City Water District gaya ng pagtatanim ng mga puno upang patuloy na mapangalagaan ang Irawan Watershed.
Sa huli, pinasalamatan ni GM Romasanta ang lahat ng empleyado, iba’t- ibang bikers’ group, iba’t-ibang ahensya at organisasyon maging ang media na nakatuwang ng water disict sa lahat ng mga aktibidad kaugnay ng nabanggit na pagdiriwang. (LBR/OCJ/PIA4B/Palawan)

Article Type: 
Categories: