CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Marso 14 (PIA) -- Limang pampublikong paaralan sa lungsod ang mabibiyayaan ng tig-dalawang silid aralan mula sa Balikatan Exercises 2012 sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino.

Ang nasabing mga paaralan ay matatagpuan sa Bgy. Inagawan, Bgy. Sta. Cruz, Bgy, Tagbarungis, Bgy. Buenavista at Sitio Candis, Bgy. Bacungan.
Maliban dito ang National High School sa Bgy. Buenavista ay mabibigyan din ng water reservoir.

Noong Marso 12, sinimulan ang konstruksiyon ng mga silid aralan ng grupong binubuo ng mga sundalong Pilipino kasama ang advance party ng mga sundalong Amerikano na lalahok sa Balikatan 2012.

Ang Balikatan Exercises 2012 ay pormal na magsisimula sa Marso 16 hanggang Abril 27.

Maliban sa nasabing proyekto, pawang mga outreach program o civic military operations ang bibigyang pansin ng Balikatan 2012, tulad ng pagsasagawa ng mga medical at dental mission sa iba’t-ibang barangay ng lungsod. Magsasagawa rin ng pagbabakuna ng mga aso para sa rabis sa Bgy. San Pedro, Bgy. San Miguel at Bgy. Bancao-bancao. (TBO/OCJ-PIA4B Palawan)

By Orlan C. Jabagat

 

Article Type: