CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, April 28 CIO -  Isang pagbati ang ipinaabot ni PATRICIA B. LUNA, OIC Executive Director ng Council for the Welfare of Children sa pamamagitan ng isang liham kay Mayor Lucilo R. Bayron na may petsang April 10, 2015.

 

    Ang pagbati ay bunsod sa pagkakapili sa Lungsod ng Puerto Princesa bilang finalist para sa nasabing Presidential Award sa ilalim ng kategorya ng Highly-Urbanized Cities na ginawa ng National Awards Committee (NAC) na kung saan ay isinagawa ang validation sa ating siyudad noong ika 11-14 ng Nobyembre, 2014.  Sa ginawang validation ay pinag-tuunan ng pansin kung totoong nakarating ang serbisyo sa mga kabataan.  Ito ay kinapapalooban ng pagtingin sa records, interbyu sa mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), local leaders, kaagapay sa serbisyo, magulang at mismong mga kabataan bilang bahagi ng mahigpit na proseso  sa pagpili.

 

     Kaalinsabay nito, ay ang paanyaya sa ating punong  lungsod at sa mga kasapi ng Local Council ofr the Protection of Children na dumalo sa gaganaping National Awards Ceremony sa Mayo 8, 2015 na gaganapin sa Philippine International Convention Center, Pasay City, Metro Manila.

 

     Pinasasalamatan din ni Director Luna sa Mayor Bayron sa paglaan ng kanyang panahon para sa kagalingan ng ating mga kabataan dito sa lungsod at para itaguyod ang mithiin ng Pamahalaang Nasyunal na may temang: Child-Friendly Philippines:  A caring and Protective Society for, by, and with the Children.

 

     Ang karangalang ito ay isang patunay lamang na ang Apuradong Administrasyon ni Mayor Bayron ay totoong mapag-kalinga hindi lamang sa mga taong may kapansanan, mga senior citizens, mga mag-aaral kundi lalo’t higit sa ating mga kabataan.

 

Article Type: 
Categories: