CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

P25M ang kabuuang koleksiyon ng pamahalaang panlungsod sa loob ng itinakdang araw na Enero 4-20 ,2010. Ito ay mula sa renewal ng mga lisensiya at permiso ng mga establisemientong pangkalakalan sa Puerto Princesa . Matapos ang nasabing panahon isasakatuparan na ang 25% pataw sa kabuuan ng babayarang buwis at 2% pa sa bawat buwan ng pagkahuli sa pagbayad.
Umabot naman sa P5.3M ang naidagdag sa kaban ng bayan sa loob ng nabanggit na petsa mula sa buwis ng mga ari-ariang di natitinag sa magkatulad na panahon habang P1.5M naman galling sa PREMIUM project ng pamilihang bayan.
Lumaki din ang koleksiyon mula sa mga sumusunod na proyekto ng lokal na gobyerno: P325,969.00 rental sa puwesto ng Puerto Princesa Land Transportation Terminal, P258,018.00 Coliseum Rental, P255,574.58 arkabala mula sa Fishports, P106,300.00 bayad ng mga lumabag sa batas trapiko at P45,856.00 bayad sa paggamit ng mga makinarya .
Pumasok din sa kita ng Puerto Princesa ang 5% ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes na P640,486.04. May naibigay din P2.7M na mula sa 2% ng Basic Tax para sa Special Education Fund na magagamit sa mga pang-edukasyong programa ng pamahalaan.
Itinakda naman na ang buong buwan ng Pebrero 2010 sa pangrerenew ng lisensiya ng mga tricycle . Umaasa ang pamunuan ng Business Tax Division na maabot nila ang P80M target na koleksiyon para sa 2010.

Article Type: 
Categories: