CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

596 ng kabuoang 646 na mga turista mula sa bansang Europa, Britanya at America ang namasyal sa lungsod ng Puerto Princesa at tumungo sa Underground River at iba pang pangunahing pasyalan

 

Dumating sa pantalan ng Lungsod ng Puerto Princesa ang MV AZAMARA ganap na alas nueve ‘y medya ng umaga noong lunes, Pebrero 23 ang kauna-unahang pagdaong nito sa lungsod o tinaguriang maiden call. Tumagal ng halos labing tatlong oras ang MV Azamara sa daungan ng Puerto Princesa upang makapamasyal ang mga turista at makapamili ng mga pangunahing delicacies sa ibat-ibang souvenir shops sa lungsod.

 

Ang MV Azamara ay nag-ooperate sa ilalim ng Walem Shipping Lines. Anim na raan at apat-napung(640) mga pasahero ang lulan nito habang apat na raan(400) ang tripulante nito at isang daan(100) dito ay mga Pilipino.

 

Naglayag ang nasabing MV Azamara mula Sandakan, Malaysia patungong lalawigan ng Palawan. Mula Puerto Princesa tutungo naman ang nasabing cruiseship sa Metro Manila bago ito lalayag palabas ng bansa.

 

Nakatakdang dumating naman sa lungsod sa darating na March 2 ang MV Albatros at sa March 8 naman ang MV Seaborne kapwa sa kanilang maiden call.

 

 

 

Article Type: 
Categories: