CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Nov. 17 CIO - Nagbunyi ang mga mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa sa biyayang dala ng Apuradong Administrasyon. Ipinadama ng Lokal na Pamahalaan ang pagmamahal nito sa mga mamamayan ng Lungsod sa pamamagitan ng pag-gugol ng buong araw ng Sabado, petsa a-31 sa buwan ng Oktubre 2015, upang pasinayaan ang walong proyektong kalsada na kabilang sa mga proyekto ng Action Man ng Lungsod, Mayor Lucilo R. Bayron sa ilalim ng kanyang Apuradong Administrasyon.
Nagkakahalaga ng kabuuang P73,666,398.33 piso ang mga pinasinayaang proyekto na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Samantala, isinabay din dito ang groundbreaking ng mga gagawing proyekto ng pamahalaan ngayong huling quarter ng taon na nagkakahalaga ng humigit P63 milyong piso na kinabibilangan ng:
Ang tatlong Drainage naman ay matatagpuan sa Pablico Road, Bgy. Tiniguiban at sa Masunurin Road, Bgy. Tiniguiban habang ang isa ay sa Socrates Road, Bgy San Pedro. Lubos na nagpasalamat ang mga mamamayan sa mga royektong isinusulong ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Lungsod. Malaki umano itong tulong sa kabuhayan ng mga tricycle drivers at kaginhawaan sa mga residente na matagal ng nagtitiis ng alikabok at putik naman sa tag-ulan.(tess)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |