CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 20, CIO - Tatlong proyektong para sa may mga kapansanan ang inilunsad ng pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn noong Hulyo 17, 2012 . Kinabibilangan ito ng “Piso para sa mga Batang May Kapansanan, Puerto Princesa Chapter of Philippine Registry of Interpreters for the Deaf at College for the Deaf . Panauhing pandangal sina Vice Mayor Lucilo R. Bayron, Unang Ginang Ellen M. Hagedorn at Pastor Isagani Sta. Ana ng DEAF Organization.
Sa mensahe ni Vice Mayor Bayron kanyang pinapurihan ang pagiging aktibo ng mga samahan ng may kapansanan. Aniya, ito ay nagiging daan upang malaman ng komunidad ang dapat gawin upang mabawasan ang mga sanhi ng mga kapansanan at matulungan sila upang maging kapakipakinabang na mamamayan. Hinikayat naman ni Gng. Hagedorn sa lahat ang mahalagang pantay na pagtingin na dapat ipadama sa mga may kapansanan .
Lubos namang nagpasalamat ang mga pangulo ng mga samahan ng mga may kapansanan sa lahat na itinutulong ng pamahalaan sa kanila, lalong-lalo na sa pagsasakatuparan ng tatlong proyektong inilunsad na pinaglaanan pa ng lupang magagamit sa Barangay Sta. Cruz. Sa palatuntunan, nagpakitang gilas ang mga kasapi nito . Umawit ang mga kasapi ng Visually Impaired Benevolent Excellent Service- PPC Chapter at nagpamalas naman ng galing sa modernong sayaw ang mga kabataang pipi at bingi. Kabahagi rin sa pagdiriwang ng ika-34 na National Disability Prevention Rehabilitation Week ang mga “exemptional persons” tulad ng mga “Gifted Kids” mula sa Puerto Princesa Pilot Elementary School.
Sa loob ng isang linggong pagdiriwang ng Natinal Disability Week, magkakaloob ng mga ID cards ang City Social Welfare and Development Office. Meron din libreng pagpapasuri sa Ospital ng Palawan, Hearing Screening, Consultation and Dialogue sa mga paaralan, skills training, film showing, fun day at thanksgiving day sa lahat ng simbahan.
Magkaakibat ang CSWD, City PESO at mga non-government organizations/associations sa pagsasagawa ng iba’t-ibang gawain para sa nasabing pagdiriwang.(amie bonales)

Article Type: 
Categories: