CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City - Isang mahigpit na pagsasanay sa Community Based Emergency and Disaster Assistance Response ang dinaranas ng 46 na partisipante mula sa iba’t ibang hanay ng mga boatmen na nagseserbisyo sa mga turista sa lungsod. Aabot sa pitong araw ang pagsasanay na dapat sana ay naka disenyo ng sampung araw. Ito ang dahilan kaya ang training ay nagsisimula ng alas singko ng umaga at nagtatapos ng ika siyam ng gabi.

Ayon kay Doctor Teofredo Esguerra ng Phil. Coast Guard Elite Rescue Group and Wilderness, meron ng ilang mga trainees na gustong umatras ngunit sila ay na kumbinsi ni City Health Officer, Dr. Monserate na ipagpatuloy ang pagsasanay dahil hindi kahit sino ay tinatanggap sa programa liban sa ito ay malaking marka sa kaalaman ng isang matatawag na First Responder.
Si Dr. Esguerra ay nagdala ng 13 Volunteers mula sa Rescue Academy sa Maynila maliban sa ilang miyembro ng Coast Guard para umalalay sa kanya sa pagsasanay na kanyang pinangugunahan.

Ang 46 na trainees ang siyang kikilalaning Puerto Princesa Wilderness 1stResponder. Sila ay tumanggap ng sertipiko na nagpapatunay na isa siyang kualipikadong sumaklolo sa mga sakuna.

Ang layunin ng pagsasanay ay upang mabigyan ng kompiyansa ang mga turista na sila ay hindi mapapahamak sa kanilang pag pasyal sa lungsod. (Poch Lauron)

Article Type: 
Categories: