CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 25, 2012 (CIO) - Umaabot sa anim napu't isang opisyales na magmumula sa Lungsod ng San Juan ang magtutungo dito sa Lungsod ng Puerto Princesa para sa gagawing Sisterhood Signing Ceremonies sa pagitan nina Mayor Guia G. Gomez at Mayor Edward S. Hagedorn. Kasama sa naturang delegasyon ang buong konseho nito sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Francisco Javier Zamora. Darating din ang lahat ng mga department heads kabilang ang ilang opisyales ng San Juan PNP, lokal DILG at maging ilang miyembro ng business sector. Isang welcome dinner at cultural presentation ang ibibigay ni City Mayor Edward S. Hagedorn sa nasabing delegasyon sa darating na ika 27 ng buwang kasalukuyan kung saan magiging highlight ang isasagawang lagdaan sa pagitan ng dalawang lungsod.. Inaasahan namang kasama ring dadalo ang buong konseho ng siyudad ng Puerto Princesa at ang mga counterpart department heads nito upang magkaroon ng palitan ng kaalaman. Para naman sa kanilang study tour, nakatakda ring bisitahin ng grupo ang pamosong Underground River, Sabang Mangove and River Cruise at ang mga award winning programs and projects ng lungsod kagaya ng Solid Waste and Sanitary Landfill sa Bgy. Sta. Lourdes para sa kanilang programa may kaugnayan sa proper waste disposal, Environmental protection and Management. Aalamin din ng mga opisyales ng San Juan kung bakit ang programang Oplan Linis ay naging consistent awardee sa Gawad Galing Pook at naging Hall of Famer bilang Cleanest and Greenest City in the Philippines. Ang San Juan ay isa sa 16 Cities ng Metro Manila at pinakamaliit na siyudad in terms of land area, na dating bahagi ng Rizal Province. Sakop nito ang Pinaglabanan Shrine na kung saan dito naganap ang pinakaunang sagupaan na naghudyat ng Philippine revoultion nuong taong 1898. (Edwin Rada)

Article Type: