CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov. 7 - Nag courtesy call sa Sangguniang Panlungsod nuong Lunes, Nobyembre 5 ang anim na batang Puerto na sumungkit ng apat na ginto at 2 tanso sa larangan ng boksing sa katatapos na Palarong Batang Pinoy sa Calapan City Oriental Mindoro.
Ang Team Hagedorn na nag kampeon sa boxing division sa Southern Luzon Leg ng Philippine Olympic Committee sa ilalim ng Philippine Sports Commission Batang Pinoy Games ay malugod na tinanggap ng mga konsehales ng lungsod, sa pangunguna ni Presiding Officer Kon. Mike Cuaderno. Pinasalamatan naman ni Kon. Mark David Hagedorn ang team hagedorn sa pagdadala muli ng karangalan para sa lungsod sa ipinakita nitong determinasyon na manalo sa bawat dibisyon na kanilang nilahukan,
Ang anim na batang pinoy mula sa Puerto Princesa na nagkamit ng medalya sa boksing ay kinabibilangan nina Warlito Tabat-gold, Eljay Loreto- Gold, Rex Dona - Gold, Franklin De la Cerna- Gold, John kenneth Acob - Bronze at Franklin Racuya - Bronze.
Kaugnay pa rin sa Batang Pinoy tinanghal naman bilang most bemedalled athlete si Courtney Melisa Tan Gray mula sa Puerto Princesa sa swimming event. Kumuha siya ng limang ginto sa 800m freestyle, 200m freestyle, 200m backstroke, 100m backstroke at 400m individual medley.(Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: