CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Naging matagumpay ang isinagawang Competitive Selection Process ng inyong kooperatiba para sa pagpili sa ikatlong Independent Power Provider nito na makapagbibigay ng 25 Megawatts na kapasidad ng kuryente simula September 2013. Ito ay ginanap sa A & A Plaza Hotel dito sa lungsod ng Puerto Princesa noong July 17, 2012.

Tatlong kumpanya ang lumahok sa naturang Competitive Selection Process, ito ay ang DMCI, Prime Water Corporation at ang Power One Corporation. Ang mga bidder ay nagsumite ng tatlong bid envelop. Ang pre-qualification envelop ay naglalaman ng kapasidad ng isang kumpanya na maging power provider ng PALECO gaya ng asset nito, experience ng kumpanya, kinikita nito sa kanyang mga kasalukuyang negosyo at iba pa. Ang first bid envelop ay naglalaman ng technical at legal qualification nito at second bid envelop ay naglalaman ng halaga ng kuryente nila per kwh.

Sa pre-qualification ay dalawa lamang ang pumasa, ito ay ang DMCI at ang Prime Water Corporation. Sa first bid ng envelop ay parehong nakapasa sa panuntunan ang dalawang kumpanya kaya’t ang nagiging basehan ng mananalo ay ang ikalawang bid envelop. Idineklara ng PALECO Bids and Awards Committee ang DMCI bilang winner dahil sa siya ang may mas mababang bid gaya ng mga sumusunod:

DMCI
TGCR – P 9.3800 VAT Exclusive

Prime Water Corporation
TGCR – P 13.2003 VAT Exclusive

Ang DMCI ay nakatakdang mag install ng 7.94 MW dependable Capacity sa Abril 2013, at dagdag na 18 MW sa August 2013, na pawang diesel fuel. Magdadagdag din ang DMCI ng 15 MW na clean coal technology plant sa September 2014 sa bayan ng Narra. Ang mga Planta na diesel fuel ay itatayo sa
Barangay Irawan, Puerto Princesa City, bayan ng Aborlan at Narra. Ngunit ang Paleco ay nakikipag negotiate na pilitin ng DMCI na mag install ng 10 MW na diesel fuel plant sa January 2013 upang maiwasan ang pagkakaroon ng kakulangan ng power supply.

 

Article Type: 
Categories: