CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 11, 2012 (CIO) - Kasalukuyang pinag aaralan na sa Committee on International Relations ng Sangguniang Panlungsod ang liham ni Ambassador Meynardo Montealegre, Philippine Ambassador to Greece, kaugnay sa mungkahi nitong magkaroon ng Twinning Agreement sa pagitan ng City of Santorini at Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa isinagawang 114th regular session ng 13th Sangguniang Panlungsod , tinalakay dito ang posibilidad na pagkakaroon ng direktang ugnayan ng dalawang lungsod, para sa pagpapalitan ng mayamang kultura at malawak na kaalaman. Ang Lungsod ng Santorini na isang maliit na isla sa Aegean Sea ay isang pamosong lugar sa bansang Greece na naging tanyag sa buong mundo dahil sa magagandang sand beaches, red volcano cliffs, steep coast at kabigha-bighaning sunset. Ang nasabing lungsod ay isang island resort na sentro rin para sa mga location shooting at madalas na ma-feature sa maraming international films. (Edwin Rada)

Article Type: