CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 10 2012 (CIO) - Isang Ordinansa ang inihain sa kapulungan ng Sangguniang Panlungsod na naglalayong maglagay ng Closed Circuit Television (CCTV) camera sa front desk ng lahat ng tourist accomodation at establishments na nag ooperate dito sa Lungsod ng Puerto Princesa .
Ayon kay Konsehal Eleutherius L. Edualino, ang may akda ng Sangguniang Draft Ordinance 80-2012, Kung maipagtitibay Ito ng konseho , ang CCTV camera ay isang gadget na malaki ang maitutulong para sa agarang pagkakalutas ng mga kasong krimen, mai rerecord nito ang kilos ng mga taong may masamang motibo na umiikot sa paligid ng establisiyemento, kabilang ang mga turistang may tinatakasang Krimen sa kanilang bansa o maging mga illegal aliens.
Idinagdag pa ni Konsehal Edualino, naging epektibo sa Lungsod ng kamaynilaan ang paglalagay ng CCTV camera sa loob at labas ng kanilang tindahan, hotel o negosyong binabantayan , kung magkaroon man ng krimen agad namang nare-review ng kapulisan kung sino ang pumasok sa partikular na oras, sinu ang mga kasama at panu ginawa ang naturang krimen. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: