CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Aug. 3, 2012 (CIO) - "Hindi natin papahintulutan na mangyari sa lungsod ang sinapit ng isang estudyante mula sa isang pamantasan sa kamaynilaaan na namatay matapos sumailalim sa fraterinty hazing." ito ang madiing pahayag ni Konsehal Mark David Hagedorn, Chairman ng Committee on Peace and Order and Public Safety ng Sangguniang Panlungsod. Ayon kay kon. Hagedorn, magkaisang ipinagtibay kamakailan sa konseho ang isang resolusyon na humihiling sa pamunuan ng City PNP na masusing imonitor at bantayan ang recruitment ng mga kabataan para maging miyembro ng mga fraternities, Sororities at maging mga Gangs na naghihikayat ng mga miembro na lumahok dito sa nasasakupan ng Lungsod ng Puerto Princesa. Ayon naman kay Konsehal Fernnie May Asuncion, Ex-Officio member ng konseho bilang Sangguniang Kabataan Fedeation President, mahigpit nilang binabantayan ngayon ang hanay ng mga kabataan ang mga frat at gangs sa kanilang mga barangay, ayon na rin sa nakapaloob sa Ordinance No. 416, otherwise known as "The Child Welfare and Development Code of Puerto Princesa City." (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: