CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Anim na milyong piso ang inilaan na pambayad ng pamahalaang panlungsod para sa COLA Differential ng 750 empleyado . Tumanggap ng tig P9,629.04 ang 750 aktibong , retirado at benepisiyaro ng mga pumanaw ng mga kawani . Ito ay kalahati lamang ng kabuuang p19,258.08 na differential para sa mga taong 1996, 1997 , 1998 at 1999.
Nauna na ritong binayaran noong mga nakaraang taon ang COLA differential na sumasakop mula Marso 1989 hanggang Disyembre 1995. Ang halaga ng differential ay binase sa buwanang suweldong tinatanggap ng bawat manggagawa.
Binigyang prioridad ni Mayor Edward S. Hagedorn ang pagbabayad ng COLA Differential upang makatulong na pantustos sa gastuhan. Napapanahon naman ang pagbigay nito sa enrollment para sa 2nd semester ng mga mag-aaral . Aniya “anuman ang biyaya ang para sa mga empleyado , ito ay ibibigay bastat may pundong pagkukunan”.
Tuwang-tuwa at lubos ang pasasalamat ng mga manggagawa dahil malaking tulong ito na pantawid sa paghihirap ng ekonomiyang nararanasan. Inaasahan nila na maibibigay ang kalahati pang halaga bago magpasko upang may dagdag na panggastos bukod pa sa bonus na kanila ring matatanggap.

Article Type: 
Categories: