CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, April 28 CIO - Napag-alaman ngayon mula sa tanggapan ng Punong Lungsod Lucilo R. Bayron sa pamamagitan ni Ms. Melissa U. Macasaet, City Agriculturist at PRDP-CPMIU Focal Person ang pag-aapruba ng nasabing proyekto ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng National Project Coordination Council (NPCO) na kung saan ang proyekto ay pinondohan ng WORLD BANK sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP).

 

       Sa ipinalabas na “No Objection Letter “ ng NPCO, ay pumasa sa mahigpit na pagsusuri ang mga dokumento ng proyekto at maari ng ipagkaloob ang kontrata sa nagwaging bidder na BCT Trading and Construction na nagkakahalaga ng Php 77,675,268.82 na kung saan ay may counterpart ang Pamahalaang Lungsod ng Php 8M.

 

       Pinakikiusapan ng NPCO ang Pamahalaang Lungsod na magsagawa na ng Pre-construction Conference sa medaling panahon bago maglabas ng Notice to Proceed (NTP) upang malaman ng lahat ng sangkot sa proyekto.

 

      Sadyang napaka-suwerte ng lungsod ng Puerto Princesa na mapagkalooban ng GRANT ng World Bank dahil pambihira ito lalo pa’t ang mabibiyayaan ay ang tulad ng remote area ng Langogan sa ating lungsod, at matagal ng napabayaan ng nakaraang administrasyon.  Sa pamamagitan ng Apuradong Adminstrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron, ay tinutukan ang proyektong ito at kinumpleto ang lahat ng mga dokumento na mahigpit na sinusuri ng World Bank. Sa ngayon, ang pera ay nakalagak na sa LANDBANK at maari ng simulang gamitin sa proyekto.

 

Article Type: 
Categories: