CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Nasa ika-tatlong linggo na ang chartered flight ng Philippine Airlines(PAL) na direktang nagdadala ng mga taiwanese tourist sa Lungsod ng Puerto Princesa. Dumating ang may 156 na mga turista sa lungsod nitong nakalipas na araw ng biyernes, na karamihan ay mga young professionals, businessmen at estudyante at umuwi araw ng martes pabalik ng Taipei, Taiwan dala ang masasayang balita at karanasan sa ilang araw na inilagi nito sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan.

Ilan sa mga pinasyalan ng mga turista ay ang prestiyosong Underground River, ang napakagandang grupo ng mga isla sa lungsod–ang Honda bay at ilan pang pasyalan. Ilan din sa mga ito ang dumayo sa bayan ng El Nido at iba pang munisipyo.

Ang PAL chartered flight ay magtatagal hangang sa buwan ng hunyo na inasahan pang lalo pang magbibigay daan upang magkaroon ng malawig na ugnayan ang turismo ng Taipei, Taiwan at Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan ng  Pilipinas.

Ang chartered flight na ito ay nakadagdag din ng bilang ng mga dumarating na turista na naitatala ng City Tourism Department, isa sa patunay na lumalago ang bilang ng mga ito kumpara sa mga nagdaang taon.

 

Article Type: 
Categories: