CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Ang balayong tree park ay nakapaloob sa Puerto Princesa City Balayong Park project sa 73,461 metro kuadradong Government Center and Nature’s Park ng lungsod. Maliban sa balayong park mayroong mga iminungkahing imprastraktura at pasilidad na itatayo dito tulad ng Water Park, auditorium o convention center, DNA tower, restaurant na may view deck, cultural museum at library, children’s park, 6-storey government building, City Health Medical Complex, outdoor amphitheater, mga mini park, information and management building na mayroong klinika, picnic ground na mayroong mga upuan at mesa, mga pampublikong palikuran at iba pa. Ang mga pasilidad na itatayo ay eco-friendly at isinasaalang-alang ang biodiversity o balanse ng lugar.
Liban sa pagiging pasyalan ay magbibigay rin ito ng hanapbuhay sa small market enterprises (SME) o maliliit na pamilihan na mamumuhunan sa iba’t ibang establisyimentong itatayo sa nasabing parke.
Sa kabila ng mga iminungkahing imprastraktura ay pananatilihin ang kagandahan at katahimikan ng parke sa pamamagitan ng pagpapatibay ng seguridad sa tulong ng mga guardiya at mga security camera sa paligid nito.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |