CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Nilahukan ng humigit kumulang sa labing-isang(11) ahensiya ng mga tagapamayapa na kinabibilangan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga ahensiyang nasa ilalim ng DILG ang isinagawang 2nd Peacekeeping Force Parade. Ito ay nagsimula sa Junction 1 at nagtapos sa Baywalk Area.

 

Samantala, walong(8) grupo ang lumahok sa Dance Showdown na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard, Palawan Police Provincial Office, Western Command, Bureau of Jail Management & Penology, Philippine Coast Guard Afloat, Puerto Princesa Police Office, 570th Composite Tactical Wing at 3rd Marine Brigade.

 

Sa mensahe na ibinigay ni B/Gen Guillermo A. Molina Sr. II AFP ang Deputy Commander ng WESCOM, nagpaabot ito ng  pasasalamat sa pagkilala sa kahalagahan ng ginagampanang papel sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kahalintulad na ahensiya nito. “Asahan po ninyo na kaming nasa hanay ng kasunduan ay magtatanggol at nakahandang magbuwis ng buhay para sa katahimikan ang ating bayan.” Ito ang tinuran ni B/Gen. Molina bilang tugon naman sa walang sawang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa Sandatahang Lakas.

 

Kinopo ng Puerto Princesa Police Office ang kampeonato sa isinagawang 2nd Peacekeeping  Force Dance Showdown at tumanggap ng 40,000.00 at tropeo, 1st runner up naman ang Philippine Coast Guard Unit Afloat na mayroong 30,000.00 at tropeo, 2nd runner up naman ang Palawan Police Provincial Office na nakakuha ng 20,000.00 at tropeo at Philippine Coast Guard naman ang nagging 3rd runner up na nagkamit ng halagang 10,000.00 at tropeo.

 

 

Article Type: 
Categories: