CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Dalawang (2) Police Gun Boats at dalawang (2) pick-up truck ang nakatakdang i-turn-over ng US Government sa Philippine National Police Maritime Group- Special Boat Unit na nakabase sa Purok Honda Bay, Bgy. Sta. Lourdes lungsod ng Puerto Princesa sa ika 18 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Inaasahang pangungunahan nina US Ambassador Harry K. Thomas, DILG Secretary Jessie Robredo , PNP Director General Nicanor A. Bartolome, Mayor Edward S. Hagedorn at ibang local na opisyal ang nasabing gawain.

Naniniwala si Mayor Hagedorn na malaking tulong ang mga nasabing kagamitan para sa pagbibigay ng seguridad sa mga mamamayan ng lungsod at sa patuloy na pangangalaga sa kalikasan at karagatan ng lungsod

Maaalala na naitayo ang PNP Special Boat Unit Headquarters sa 2000 sq.m. na lupa mula sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa at mula sa suporta ng US Department of State at US Department of Justice sa pamamagitan International Criminal Investigative Training Assistance program (ICITAP) na naglaan ng pondong $460,000.00 para sa tatlong palapag na headquarters.