πŒπ€πŠπ€ππ€π†πŽππ† 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐔𝐄 π„ππ”πˆππŒπ„ππ“, 𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆-𝐒𝐀𝐍𝐃𝐀𝐓𝐀 𝐍𝐆 ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€ 𝐒𝐀 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆπ†π“π€π’ 𝐍𝐆 ππ”π‡π€π˜

#BalitangKaligtasan | 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐒𝐂𝐔𝐄 𝐄𝐐𝐔𝐈𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓, 𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆-𝐒𝐀𝐍𝐃𝐀𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘

Amie Bonales, CIO Balita

Mas mabilis, mas ligtas at mas mahusay na pagtugon sa mga insidente ng vehicular crash at iba pang emergency—ito ang layunin ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pagkakaroon ng mga makabagong rescue equipment para sa 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐂𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎).

Kabilang sa mga bagong kagamitan ang 𝐇𝐲𝐝𝐫𝐚𝐮𝐥𝐢𝐜 𝐒𝐩𝐫𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫/𝐂𝐮𝐭𝐭𝐞𝐫, 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐬𝐜𝐮𝐞 𝐓𝐫𝐢𝐩𝐨𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐖𝐢𝐧𝐜𝐡, 𝐚𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐯𝐲-𝐃𝐮𝐭𝐲 𝐉𝐚𝐜𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐭𝐫𝐮𝐭𝐬: mga specialized equipment na ginagamit sa 𝐯𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞 𝐜𝐫𝐚𝐬𝐡 𝐞𝐱𝐭𝐫𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, o ang ligtas na pagkuha sa mga biktimang naiipit o nakulong sa loob ng nadisgrasiyang sasakyan.

Mahalaga ang mga kagamitang ito lalo na sa mga sitwasyong hindi sapat ang karaniwang gamit upang mapalaya ang biktima. Maaari rin itong gamitin sa ilang rescue operations, kabilang ang mga insidente ng 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐮𝐡𝐨 𝐨 𝐩𝐚𝐠-𝐜𝐨𝐥𝐥𝐚𝐩𝐬𝐞 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐭𝐫𝐮𝐤𝐭𝐮𝐫𝐚 kung saan kinakailangang buhatin, itulak o suportahan ang mabibigat na bagay upang magkaroon ng ligtas na daanan ang mga rescuers.

𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐓𝐎?

🔹 𝐇𝐲𝐝𝐫𝐚𝐮𝐥𝐢𝐜 𝐒𝐩𝐫𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫/𝐂𝐮𝐭𝐭𝐞𝐫

Isang heavy-duty rescue tool na ginagamit upang 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐮𝐭𝐨𝐥, 𝐦𝐚𝐠𝐡𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐭𝐚𝐥𝐢𝐤𝐰𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐛𝐚𝐥𝐮𝐤𝐭𝐨𝐭 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐲𝐚𝐧 matapos ang banggaan. Sa pamamagitan nito, nakakagawa ang rescuers ng kinakailangang espasyo upang maabot at mailabas nang mas ligtas ang biktima.

🔹 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐬𝐜𝐮𝐞 𝐓𝐫𝐢𝐩𝐨𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐖𝐢𝐧𝐜𝐡

Isang 𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐨𝐯𝐞𝐫𝐡𝐞𝐚𝐝 𝐚𝐧𝐜𝐡𝐨𝐫 𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 na maaaring gamitin sa mga rescue operation kung saan kinakailangang bumaba o umakyat ang rescuers mula sa patayong lugar. Mahalaga ito sa mga sitwasyong nahulog ang sasakyan sa bangin o iba pang lugar na mahirap maabot, dahil nagbibigay ito ng matatag na anchor point para sa rescue personnel at sa pag-angat ng stretcher o Stokes litter na kinalalagyan ng pasyente.

🔹 𝐇𝐞𝐚𝐯𝐲-𝐃𝐮𝐭𝐲 𝐌𝐞𝐜𝐡𝐚𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐉𝐚𝐜𝐤 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐭𝐫𝐮𝐭𝐬

Isang matibay na mechanical lifting at spreading tool na maaaring gamitin upang 𝐢𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐨 𝐢𝐥𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐲𝐚𝐧 𝐨 𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐤𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐝𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚. Maaari rin itong gamitin sa pagtulak sa mga pinto, bubong at dashboard ng sasakyan upang magkaroon ng sapat na espasyo para sa ligtas na extrication. Maaari rin itong gamitin kasama ang 𝐜𝐡𝐚𝐢𝐧𝐬, 𝐬𝐭𝐫𝐚𝐩𝐬 𝐚𝐭 𝐰𝐞𝐝𝐠𝐞𝐬 upang patatagin ang mga sasakyang gumigiwang, gumulong o nasa hindi pantay na lugar habang isinasagawa ang rescue operation.

Ginamit ang mga bagong kagamitan sa 𝐕𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞 𝐂𝐫𝐚𝐬𝐡 𝐄𝐱𝐭𝐫𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐞 𝐄𝐪𝐮𝐢𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐢𝐚𝐫𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 para sa mga kawani ng CDRRMO at 𝐁𝐮𝐫𝐞𝐚𝐮 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐫𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐁𝐅𝐏) noong Setyembre 24, 2026 sa bahagi ng RVM Sports Complex.

Pinangunahan ang pagsasanay ng mga eksperto mula sa 𝐀𝐝𝐯𝐚𝐧𝐜𝐞𝐝 𝐇𝐨𝐦𝐞𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐟𝐞𝐧𝐬𝐞, 𝐈𝐧𝐜., kung saan isinagawa ang aktuwal na familiarization at simulation exercises upang mahasa ang mga responders sa tamang paggamit ng kagamitan at sa proseso ng mabilis ngunit maingat na pagkuha sa mga biktima.

Ayon kay 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 𝐂𝐃𝐑𝐑𝐌𝐎 𝐇𝐞𝐚𝐝 𝐄𝐚𝐫𝐥 𝐇. 𝐓𝐢𝐦𝐛𝐚𝐧𝐜𝐚𝐲𝐚, naging positibo ang resulta ng pagsasanay dahil mabilis na nagamay ng mga kalahok ang mga pangunahing proseso sa pagtugon sa emergency call, pag-operate ng rescue equipment at pagsasagawa ng vehicle extrication.

Suportado naman ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐮𝐜𝐢𝐥𝐨 𝐑. 𝐁𝐚𝐲𝐫𝐨𝐧 ang pagkakaroon ng mga ganitong kagamitan bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa kakayahan ng lungsod na 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞, 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲.

Ayon din sa kinatawan ng Advanced Homeland Defense, Inc. sa programang pangradyo na 𝐋𝐈𝐒𝐓𝐎, kabilang ang Puerto Princesa sa mga lungsod na naunang nagkaroon ng ganitong uri ng specialized rescue equipment.

Higit sa pagkakaroon ng makabagong kagamitan, mahalaga ang 𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲, 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞𝐫 upang magamit ang mga ito nang tama sa oras na kailangan.

Dahil sa isang emergency, bawat segundo ay mahalaga—at ang pagkakaroon ng tamang kagamitan at bihasang responder ay maaaring maging mahalagang bahagi sa 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲. #PuertoPrincesaCity #AlistoPuertoPrincesan

Similar Posts