
#BalitangIsports || SUMMER SPORTS CLINIC, HANDOG SA MGA KABATAANG PUERTO PRINCESAN
Robin Estrella, CIO Balita
Pormal nang binuksan ang Summer Sports Clinic 2026 sa Puerto Princesa sa pangunguna ng City Sports Office, bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan na paunlarin ang kakayahan ng kabataan sa larangan ng palakasan.
Isinagawa ang orientation para sa mga rehistradong kalahok sa RVM Complex Basketball Court, na dinaluhan ng mga batang Puerto Princesans kasama ang kanilang mga magulang at coaches. Sa mensahe ni Atty. Rocky Austria, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pagsasanay at wastong paggabay upang mahubog ang potensyal ng mga kabataan sa iba’t ibang disiplina ng sports.
Ayon pa kay Austria, layunin ng programa na hindi lamang mapahusay ang kakayahan ng mga kalahok kundi makapaglinang din ng mas maraming dekalidad at dekalibreng atleta mula sa lungsod.
Inaasahang tatagal ng ilang linggo ang Summer Sports Clinic 2026, kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na magsanay sa iba’t ibang larangan tulad ng basketball, volleyball, athletics, at iba pa.
Samantala, nagsimula na kahapon, araw ng Lunes, ang unang araw ng pagsasanay ng mga batang atleta, kabilang ang dance lessons, swimming, football, at iba pang aktibidad.
Patuloy namang hinihikayat ng City Sports Office ang mga kabataan na makilahok sa mga ganitong programa upang mapaunlad hindi lamang ang kanilang pisikal na kakayahan kundi pati ang disiplina at sportsmanship. #PuertoPrincesaCity #CitySportsOffice
