
#BalitangSanggunian || 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐎𝐑𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐘𝐄𝐊𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐄, 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐎𝐔𝐓 𝐎𝐅 𝐓𝐎𝐖𝐍 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍
Norma Lyn Dave, CIO Balita
Upang higit na mailapit ang serbisyo ng pamahalaang panlungsod sa mga residente, tinalakay ng 𝟏𝟖𝐭𝐡 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 ang mga pangunahing pangangailangan at prayoridad na proyekto ng Barangay Maruyugon, Lucbuan, at Manalo sa isinagawang 𝘰𝘶𝘵-𝘰𝘧-𝘵𝘰𝘸𝘯 𝘳𝘦𝘨𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘴𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 sa Covered Gym ng Barangay Maruyugon noong Oktubre 19, 2026.
Sa naturang sesyon, inilahad ng mga kinatawan ng tatlong barangay ang mga proyektong inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng 𝐢𝐦𝐩𝐫𝐚𝐬𝐭𝐫𝐚𝐤𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝, 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞.
Kabilang sa mga inilapit ni 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐦𝐢𝐥𝐨 𝐂. 𝐃𝐞𝐥𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐫𝐮𝐲𝐮𝐠𝐨𝐧 ang pagsasaayos ng mga kalsada, pagtukoy sa hangganan ng kanilang barangay at Barangay Lucbuan, pagkakaroon ng malinis at sapat na suplay ng tubig, pagtatayo ng bagong sementeryo, at paglalagay ng ilaw sa mga pangunahing kalsada at feeder roads.
Samantala, binigyang-diin naman ni 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐨𝐫𝐧𝐚 𝐋. 𝐃𝐞𝐥𝐚 𝐑𝐨𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 ang pangangailangan sa sistemang patubig para sa mga magsasaka, Level III water system para sa mga residente, at mga programang pangkabuhayan para sa mga kababaihan. Inilapit din niya ang kahilingan para sa pagtatayo ng mini court sa kanilang mataas na paaralan at pagsasaayos ng mga kalsada sa barangay.
Sa panig ng Barangay Lucbuan, inihayag ni 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐝 𝐍𝐢𝐥𝐨 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨, na kumatawan kay Punong Barangay Berlie Gabinete, ang matagal nang usapin hinggil sa hangganan ng Barangay Lucbuan at Barangay Maruyugon na nangangailangan ng kaukulang paglilinaw.
Bilang bahagi ng pagtugon sa mga inilapit na pangangailangan, nakibahagi sa sesyon ang mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan at ahensiya ng pamahalaan upang talakayin ang mga posibleng hakbang at kaukulang aksiyon. Kabilang dito ang 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐨𝐫 para sa usapin ng hangganan ng dalawang barangay; 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐫𝐫𝐢𝐠𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞’𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 para sa mga pangangailangan ng sektor ng agrikultura; 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐂𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 (𝐏𝐀𝐋𝐄𝐂𝐎) 𝐚𝐭 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 para sa mga usapin sa electrification at pagsasaayos ng mga poste ng kuryente; at 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐄𝐧𝐠𝐢𝐧𝐞𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 para sa mga proyektong pangkalsada.
Dinaluhan din ang sesyon ng mga opisyal at residente ng tatlong barangay, na nagkaroon ng pagkakataong maipahayag ang kanilang mga pangangailangan at makilahok sa talakayan hinggil sa mga proyektong mahalaga sa kanilang mga komunidad.
Isinasagawa ang out-of-town regular session ng sangguniang panlungsod isang beses bawat buwan upang 𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐞𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝, 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐮𝐮𝐤𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga barangay, lalo na sa mga malalayong bahagi ng lungsod.
#SangguniangPanlungsod #PuertoPrincesaCity
