

































































#MapagkalingangPrograma || 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐀𝐘𝐔𝐃𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐑 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐘𝐔𝐃𝐀𝐃
Maagang naghanda at nagtipon ang mga residente mula sa iba’t ibang barangay sa timog bahagi ng Puerto Princesa para sa ikalawang kwarter ng Ugnayan sa Barangay at iba pang Mapagkalingang Programa ng pamahalaang panlungsod. Inabangan ng mga mamamayan ang mahahalagang anunsiyo at serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan sa kanilang komunidad.
Eksaktong alas-otso ng umaga nang dumating sa Brgy. Inagawan Sub si Mayor Lucilo R. Bayron kasama ang ilang konsehal ng lungsod at mga panauhin. Agad nitong inihayag ang inaabangang magandang balita kaugnay sa pagtaas ng allowance para sa mga Senior Citizens, Persons with Disability (PWDs), at Solo Parents, gayundin ang planong pagpapatupad ng digital payout system para sa mas mabilis at mas maayos na pamamahagi ng ayuda.
Kasabay nito, tumanggap rin ng tig-P3,000 na ayuda ang mga Barangay Tanod habang tig-P6,000 naman ang ipinagkaloob sa mga guro at uniformed personnel bilang pagkilala sa kanilang serbisyo sa komunidad.
𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐧𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲:
- Inagawan Sub – 2,986 beneficiaries – ₱8,958,000
- Kamuning – 1,403 beneficiaries – ₱4,209,000
- Inagawan – 1,381 beneficiaries – ₱4,143,000
- Luzviminda – 2,524 beneficiaries – ₱7,572,000
- Mangingisda – 4,149 beneficiaries – ₱12,447,000
•𝑇𝑜𝑡𝑎𝑙 𝐵𝑒𝑛𝑒𝑓𝑖𝑐𝑖𝑎𝑟𝑖𝑒𝑠 – 12,443 - 𝑇𝑜𝑡𝑎𝑙 𝐹𝑢𝑛𝑑𝑠 – ₱37,329,000
Bukod sa ayuda, inilapit din sa mga residente ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaang panlungsod. Kabilang dito ang libreng gamot, bitamina, at konsultasyon mula sa City Health Office; pamamahagi ng vegetable seedlings at iba pang pananim mula sa City Agriculture Office; pagproseso ng PSA at live birth documents sa pamamagitan ng City Civil Registrar’s Office; libreng tax map at konsultasyon mula sa Office of the City Assessor; at serbisyo mula sa iba pang tanggapan gaya ng CSWD, CMO, at BPLO.
Naging makulay rin ang programa sa pakikibahagi ng mga estudyante mula sa Palawan National School at Puerto Princesa City Science National High School na nagbahagi ng kanilang positibong karanasan sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaang panlungsod.
Naghatid naman ng aliw at kasiyahan ang mga banda mula sa City Engineer’s Office at Office of the City Architect na bumubuo sa CEA Band, gayundin ang Traveller’s Band ng Office of the City Assessor. Nagbigay-sigla rin sa programa ang pagtatanghal ng OCE Dancers. #MapagkalingangPrograma #UgnayanSaBarangay #PuertoPrincesaCity
