π’π”πŒπŒπ„π‘ π’ππŽπ‘π“π’ π‚π‹πˆππˆπ‚ πŸπŸŽπŸπŸ”, ππ€π†π“π€ππŽπ’ 𝐒𝐀 πŒπ€π“πˆππƒπˆππ† π’πˆπ†π‹π€ 𝐀𝐓 ππ€π†π‡π”ππŽπ† 𝐍𝐆 ππ€π†πŽππ† π‡π„ππ„π‘π€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€ 𝐀𝐓𝐇𝐋𝐄𝐓𝐄𝐒

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐈𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐬 || 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐋𝐈𝐍𝐈𝐂 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐆𝐋𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐔𝐁𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐇𝐋𝐄𝐓𝐄𝐒

𝐑𝐨𝐛𝐢𝐧 𝐄𝐬𝐭𝐫𝐞𝐥𝐥𝐚, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Tagumpay, saya, at inspirasyon ang pumuno sa ginanap na Closing Ceremony ng Summer Sports Clinic 2026 nitong Mayo 9 sa RVM Sports Complex matapos ang mahigit isang buwang training at sports development program para sa mga kabataan ng Puerto Princesa.

Suot ang kanilang mga medalya, bitbit ang bagong kumpiyansa at natutunang disiplina, ipinakita ng mga batang atleta ang bunga ng kanilang pagsisikap sa iba’t ibang sports clinics na naghasa sa kanilang talento at kakayahan sa larangan ng palakasan.

Dinaluhan ng mga magulang, coaches, at sports mentors, naging makulay na selebrasyon ang pagtatapos ng programa kung saan tampok ang pagkilala sa dedikasyon at sportsmanship ng mga kalahok sa badminton, chess, lawn tennis, archery, at iba pang sporting events.

Sa mensahe ni City Sports Officer Director Atty. Rocky Austria, kanyang pinasalamatan ang mga magulang na naging katuwang sa paghubog sa mga batang atleta sa pamamagitan ng walang sawang suporta at paggabay sa araw-araw na ensayo ng kanilang mga anak.

“Palakpakan natin ang ating mga magulang sa kanilang suporta sa inyo. Sa pamamagitan ng sports, mas nahuhubog kayo bilang disiplinado at responsableng kabataan ng Puerto Princesa,” ani Austria.
Kasabay ng pagtatapos ng Summer Sports Clinic 2026 ay ang mas matibay na pangarap para sa mga batang atleta na balang araw ay magdadala rin ng karangalan para sa lungsod sa mas malalaking kompetisyon.

Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ang suporta nito sa sports development programs bilang bahagi ng pagsusulong ng aktibo, disiplinado, at world-class na kabataang Puerto Princesans. #PuertoPrincesaCity #CitySportsOffice

Similar Posts