#CIOBalita || COMELEC CHAIRPERSON AT COMMISSIONERS, NAKIISA SA ADOPT-A-BALAYONG TREE PROGRAM NG PUERTO PRINCESA
Isang makabuluhang alaala at simbolo ng pangangalaga sa kalikasan ang iniwan ng mga opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang pagbisita sa Puerto Princesa sa pamamagitan ng pakikiisa sa Adopt-a-Balayong Tree Program sa Balayong People’s Park kahapon, Mayo 12.
Personal na nagtanim at nag-adopt ng apat na Balayong Trees sina COMELEC Chairperson George Erwin Garcia kasama sina Commissioners Nelson Celis, Maria Norina Tangaro-Casingal, at Noli Pipo. Ang apat na puno na matatagpuan sa VIP Lane ay ipinangalan sa kanila bilang mga magiging katuwang ng lungsod sa pangangalaga at pagpapalago ng mga ito.
Ipinahayag din ng mga bisita ang kanilang kasiyahan at suporta sa adhikaing ito na hindi lamang nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan kundi maging sa patuloy na pagpapalago ng turismo sa Puerto Princesa.
#BalayongTrees #PuertoPrincesaCity #EnvironmentalProtection






















