πƒπˆπ‹π† 𝐀𝐒𝐄𝐂 π‹πˆπ‹πˆπ€π 𝐌. 𝐃𝐄 π‹π„πŽπ, πƒπ”πŒπ€π‹π€π– 𝐒𝐀 ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐔-𝐏𝐇 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍 π„π‚πŽππŽπŒπ˜ ππ€π‘π“ππ„π‘π’π‡πˆπ ππ‘πŽπ‰π„π‚π“

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧 || 𝐃𝐈𝐋𝐆 𝐀𝐒𝐄𝐂 𝐋𝐈𝐋𝐈𝐀𝐍 𝐌. 𝐃𝐄 𝐋𝐄𝐎𝐍, 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐔-𝐏𝐇 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍 𝐄𝐂𝐎𝐍𝐎𝐌𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓

𝐀𝐦𝐢𝐞 𝐁𝐨𝐧𝐚𝐥𝐞𝐬, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Dumating sa Lungsod ng Puerto Princesa si DILG Assistant Secretary for International Relations Lilian M. De Leon noong ika-13 ng Abril 2026 upang bisitahin ang implementasyon ng EU-PH Green Economy Partnership Project. Ang nasabing proyekto ay pinagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa at Eco-Kolek, na pinopondohan ng European Union.

Kabilang sa mga sumama sa pagbisita sina City DILG Director Myla Panganiban at G. Edlin Lumanog ng United Nations Development Programme (UNDP). Nagtungo ang grupo sa Circular Economy Learning Hub na matatagpuan sa Barangay Sicsican, kung saan sila ay mainit na sinalubong ng mga kawani ng proyekto sa pangunguna ni Bb. Shellemai Roa, Project Director ng Eco Kolek, G. Dennis Barcelona at ng mga eco-warriors.

Sa isinagawang presentasyon, ipinaliwanag ng Eco-Kolek management ang kabuuang operasyon ng proyekto, kabilang ang pangongolekta, pagsasagawa ng waste segregation, at pagbebenta ng mga recyclable materials gaya ng plastik, bote, at metal sa mga junk shop. Ibinahagi rin kung paano kumikita ang 19 na eco-warriors mula sa mga nakolektang recyclable materials, gayundin ang positibong epekto ng proyekto sa kanilang kabuhayan at personal na pag-unlad. Ayon sa kanila, ang mga kaalaman at pagsasanay na kanilang natamo mula sa proyekto ay nakatulong upang mapataas ang kanilang tiwala sa sarili.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni ASEC De Leon ang dedikasyon ng mga eco-warriors. Aniya, “𝐾𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑦 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛𝑖 𝑠𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑤𝑎, 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑜𝑚𝑢𝑛𝑖𝑑𝑎𝑑, 𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎. 𝑁𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑒𝑟𝑡𝑜 𝑃𝑟𝑖𝑛𝑐𝑒𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑟𝑎𝑟𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑎𝑛. 𝑀𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑡𝑢𝑡𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑘𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑎𝑛.”

Tatlong purok sa Barangay Sicsican ang nagsisilbing pilot sites ng Eco-Kolek Project kung saan aktibong ipinatutupad ang waste segregation. Tinatayang 300 sambahayan ang saklaw ng proyekto, na pinaglilingkuran ng tatlong grupo ng eco-warriors. Tatlong beses kada linggo ang iskedyul ng pangongolekta ng recyclable materials, na maayos na isinasakay sa mga top-down tricycles. Samantala, ang mga non-recyclable waste ay kinokolekta naman ng Solid Waste Management Truck ng lungsod.

Pansamantalang iniimbak ang mga nakolektang materyales sa Circular Economy Learning Hub habang inihahanda ang mas malawak na pasilidad sa Barangay Irawan, na ipinagkaloob din ng pamahalaang lungsod. Kabilang dito ang 500 metrong kwadradong lote na kasalukuyang ginagamit bilang CE Learning Hub sa Barangay Sicsican.
Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, nakipagpulong din si ASEC De Leon sa mga opisyal ng barangay at mga kasapi ng komite sa kapaligiran. Sa hapon, nagtungo rin siya sa City Hall upang magsagawa ng courtesy call kay Mayor Lucilo R. Bayron. #PuertoPrincesaCity

Similar Posts