















#CIOBalita || 𝐆𝐑𝐀𝐁, 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐑𝐍𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐀𝐓 𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐍𝐄𝐆𝐎𝐒𝐘𝐎
Mas maraming oportunidad para sa mga 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐥𝐢𝐢𝐭 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨 sa Puerto Princesa ang inaasahang mabubuksan kasabay ng pagpasok ng 𝐆𝐫𝐚𝐛 sa lungsod—hindi lamang bilang karagdagang transport option, kundi bilang katuwang ng lokal na business community sa pag-angkop sa mas digital na paraan ng pagnenegosyo.
Ngayong Setyembre 29, isinagawa sa Hue Hotel ang 𝐆𝐫𝐚𝐛 𝐀𝐬𝐞𝐧𝐬𝐨: 𝐀 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐤𝐚𝐫𝐭𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, na nagtipon sa mga merchant-partners at Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa lungsod.
Sa pamamagitan ng programa, nabibigyan ang mga lokal na negosyante ng pagkakataong matuto at gumamit ng 𝐝𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐭𝐨𝐨𝐥𝐬, 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐭𝐟𝐨𝐫𝐦𝐬, 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐤𝐧𝐨𝐥𝐨𝐡𝐢𝐲𝐚 upang mas mapalawak ang kanilang market at mapalago ang kanilang negosyo. Bahagi rin ito ng partnership ng Grab at 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐞 (𝐈𝐓𝐂) 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒 , na kabilang ang Puerto Princesa sa mga regional cities na pagdarausan ng Grab Asenso Learning Caravans.
Kasabay nito, unti-unti ring binubuo ang transport network ng Grab sa lungsod, kabilang ang mga 𝐦𝐨𝐭𝐨𝐫𝐜𝐲𝐜𝐥𝐞 𝐝𝐞𝐥𝐢𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬 at mga sasakyang isinasailalim sa proseso para sa Grab transport service.
Ayon kay 𝐑𝐉 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐮𝐧𝐚, 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐚𝐛 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬, mahalaga ang paglago ng kanilang merchant-partners sa paglago rin ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.
“𝘞𝘩𝘦𝘯 𝘰𝘶𝘳 𝘮𝘦𝘳𝘤𝘩𝘢𝘯𝘵-𝘱𝘢𝘳𝘵𝘯𝘦𝘳𝘴 𝘨𝘳𝘰𝘸, 𝘗𝘶𝘦𝘳𝘵𝘰 𝘗𝘳𝘪𝘯𝘤𝘦𝘴𝘢 𝘨𝘳𝘰𝘸𝘴 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦𝘮.”
Samantala, malugod na tinanggap ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐮𝐜𝐢𝐥𝐨 𝐑. 𝐁𝐚𝐲𝐫𝐨𝐧 ang pagpasok ng Grab bilang bagong katuwang ng lungsod, partikular sa pagsusulong ng 𝐦𝐚𝐬 𝐜𝐨𝐧𝐯𝐞𝐧𝐢𝐞𝐧𝐭, 𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐥𝐢𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐧𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞, gayundin sa pagbibigay ng karagdagang digital market para sa mga lokal na negosyo.
Para sa mga restaurant, food establishments at iba pang merchants, ang pagkakaroon ng karagdagang digital platform ay maaari ring magbukas ng mas maraming paraan upang 𝐦𝐚𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐮𝐬𝐭𝐨𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐞𝐬 𝐨𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬.
Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng isang bagong private-sector partner ay hindi lamang tungkol sa isang bagong serbisyo. Ito rin ay tungkol sa 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐨𝐫𝐭𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬, 𝐝𝐞𝐥𝐢𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬, 𝐌𝐒𝐌𝐄𝐬 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚.
Patuloy namang isinusulong ng city government ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang makapaghatid ng mga serbisyong makatutugon sa nagbabagong pangangailangan ng isang 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐝𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚.
#GrabAsenso #PuertoPrincesaCity #DigitalDiskarte
