|

πƒπ‘πŽπ–ππˆππ† ππ‘π„π•π„ππ“πˆπŽπ, 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 ππ†π€π˜πŽππ† 𝐓𝐀𝐆-πˆππˆπ“

#𝐁𝐢𝐲𝐚𝐡𝐞𝐧𝐠𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 || 𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆-𝐈𝐍𝐈𝐓

Summer time na! Karaniwang dinarayo ng mga mamamayan ang mga beach at swimming pool upang magpalamig at maglibang ngayong tag-init. Ngunit kasabay nito ang paalala: gaano nga ba tayo kahanda sakaling magkaroon ng insidente ng pagkalunod?

Layunin ng Biyaheng Kalusugan: Drowning Prevention Campaign na pangunahan ng Center for Health Development–MIMAROPA katuwang ang City Health Office–Health Education and Promotion Unit (HEPU) na mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa tamang pag-iingat, wastong pagresponde, at pag-iwas sa pagkalunod.

Sa pamamagitan ng kampanyang ito, binibigyang-diin na ang pagkalunod ay maaaring mangyari sa anumang anyong tubig at sa kahit anong edad—ngunit ito ay maiiwasan kung may sapat na kaalaman at kahandaan ang bawat isa.
Paalala sa lahat: maging mapagmatyag, alamin ang mga safety measures, at tiyaking ligtas ang bawat paglangoy ngayong tag-init.

𝐃𝐨 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐏𝐚𝐫𝐭, 𝐁 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐒𝐦𝐚𝐫𝐭!

#DrowningPrevention #CityHealthOffice #PuertoPrincesaCity

Similar Posts