
#𝐂𝐈𝐎𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 || 𝟑𝟐 𝐄𝐌𝐏𝐋𝐎𝐘𝐄𝐑𝐒, 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐎-𝐋𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐉𝐎𝐁𝐒 𝐅𝐀𝐈𝐑 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀
𝐄𝐧𝐫𝐢𝐪𝐮𝐞 𝐎𝐛𝐥𝐢𝐠𝐚𝐫, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚
Umabot sa 32 kumpanya ang lumahok sa isinagawang Jobs Fair noong Mayo 1, 2026 sa Robinsons Place Palawan, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.
Libo-libong job vacancies ang inialok sa mga aplikante, habang naging mas mabilis ang proseso ng pag-aapply sa tulong ng one-stop shop services mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, TESDA, PRC, NBI, DMW, OWWA, PSA, at City Health Office.
Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tiniyak niya ang tuloy-tuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mailapit ang trabaho sa mamamayan. Ayon sa datos, mahigit 1.5 milyong job seekers ang natulungan noong 2025, kung saan 250,000 ang na-hire on the spot.
Ilan ding indibidwal at tanggapan ang kinilala sa kanilang natatanging ambag sa employment programs, kabilang ang mga SPES at GIP partners ng lungsod.
Patunay ang aktibidad na patuloy ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang makapaghatid ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Puerto Princesan at mga Palaweño.
#Padayon sa trabaho, padayon sa pag-asenso! 💼🇵🇭 #BalitangTrabaho #CityPESO #DOLEPalawan
