TINGNAN: Binisita ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mga batang anak at kapamilya ng mga kawani ng City Government of Puerto Princesa na nakiisa sa CGPP Family Day nitong Setyembre 3, 2026, na inorganisa ng City Human Resource Management Office (HRMO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month 2026.
“Ngayon ay araw para sa pamilya, araw para mag-bonding. Kinikilala ko na sa likod ng bawat isang kawani ng pamahalaang lungsod ay ang kanilang pamilya na nagbibigay-inspirasyon, sumusuporta, at nakauunawa sa sitwasyon ng kanilang trabaho dito sa Pamahalaang Lungsod,” mensahe ni Mayor Bayron. Tampok sa ginanap na CGPP Family Day ang iba’t ibang masasaya at…
