
#KabataangPuertoPrincesan || 𝟏𝟏𝟔 𝐈𝐌𝐌𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓𝐒, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 Ricky Obligar, CIO Balita
Nagsimula na ang 𝟏𝟏𝟔 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟏𝟐 𝐬𝐭𝐮𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 mula sa limang paaralan sa Puerto Princesa City sa kanilang 𝐖𝐨𝐫𝐤 𝐈𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 sa pamahalaang panlungsod.
Sa isinagawang 𝐅𝐥𝐚𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐬𝐚 𝐍𝐞𝐰 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥, masayang tinanggap ni 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐋𝐮𝐜𝐢𝐥𝐨 𝐑. 𝐁𝐚𝐲𝐫𝐨𝐧 ang mga mag-aaral na magsasagawa ng kanilang immersion sa iba’t ibang tanggapan ng City Government.
Narito ang bilang ng mga immersion students mula sa bawat paaralan:
Bahile National High School – 23
Luzviminda National High School – 27
Palawan National School – 37
San Jose National High School – 10
Sicsican National High School – 19
Magsasagawa ang mga mag-aaral ng kanilang immersion sa iba’t ibang opisina mula 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟓 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔, kung saan bibigyan sila ng pagkakataong maranasan ang aktuwal na daloy ng trabaho sa isang tanggapan ng pamahalaan.
Sa pamamagitan nito, mas mauunawaan nila kung paano pinatatakbo ang isang partikular na tanggapan, ano-ano ang tungkulin ng mga empleyado, at kung paano isinasagawa ang iba’t ibang serbisyong direktang nakaaapekto sa mga mamamayan.
Higit pa sa kaalaman sa trabaho, mahalagang bahagi rin ng immersion ang paghubog sa 𝐩𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐦, 𝐝𝐢𝐬𝐢𝐩𝐥𝐢𝐧𝐚, 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐨 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 —mga kasanayang mahalaga sa kanilang paghahanda para sa mundo ng trabaho.
Sa kanilang isang buwang karanasan sa City Government, inaasahang madadala ng mga mag-aaral ang mga bagong kaalaman at aral na magsisilbing pundasyon habang tinatahak nila ang susunod na yugto ng kanilang edukasyon at, kalaunan, ang kanilang mga napiling karera.
𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐢𝐥𝐢𝐝-𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨—𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐚𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚𝐧. ![]()
