
Personal na ibinahagi ng isang kabataang atleta kay Mayor Lucilo R. Bayron ang kanyang mga tagumpay sa larangan ng boxing at kickboxing na nagbigay ng karangalan sa lungsod ng Puerto Princesa.
Tubong Barangay San Pedro ang atletang si Cherry May Rosas na nag-kampeon sa Superflyweight ng Ultimate Knockout Challenge na ginanap sa Sucat, Parañaque nitong Mayo 2026.
Narito ang ilan pang karangalan na kanyang naiuwi sa larangan naman ng kickboxing:
GOLD MEDALIST
2026 National Kickboxing Championships
Full Contact 48.1 kg -52 kg
GOLD MEDALIST
2025 National Kickboxing Championships
Kick Light 52-55 kg
Nalulugod naman ang alkalde sa mga karangalang dala ng kabataang atleta na produkto ng Free Summer Sports Clinic ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa. Kwento ni Rosas, dati niya raw trainer sina Coach Rowen Tabastabas at Coach Rowell Padul sa boxing.
