ILANG SHS-TVL STUDENTS, NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR BAYRON BAGO SUMALANG SA KANILANG WORK IMMERSION

Nag-courtesy call kay Mayor Lucilo R. Bayron ang sampung Grade 12 students ng San Jose National High School sa ilalim ng Information and Communications Technology (ICT) strand ng Technical-Vocational-Livelihood (TVL) Track, bilang pagpapakilala bago ang kanilang work immersion sa City Management Information System Division (CMISD) ng Pamahalaang Lungsod.

Kasama ng mga mag-aaral si San Jose NHS TVL Coordinator Malou Elevera. Sasailalim ang mga estudyante sa 100 oras na work immersion sa CMISD upang magkaroon ng aktuwal na karanasan sa larangan ng information and communications technology.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, sa pamumuno ni Mayor Bayron, na bigyan ang mga kabataang Puerto Princesan ng mga oportunidad upang malinang ang kanilang kaalaman at kasanayan at maihanda sila sa kanilang napiling propesyon, tungo sa mas maunlad na Puerto Princesa.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts