






#BalitangKalusugan || PATULOY NA PINALALAKAS NG CITY HEALTH OFFICE ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA PUERTO PRINCESAN
Maya Estiandan, CIO Balita
Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang pagbibigay ng accessible, dekalidad, at komprehensibong serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) Medical Complex.
Araw-araw, patuloy na pinipili ng libu-libong Puerto Princesan ang CHO Medical Complex bilang kanilang unang takbuhan para sa konsultasyon at iba pang pangangailangang medikal—patunay ng lumalawak na tiwala ng publiko sa primary health care services ng lokal na pamahalaan.
Mula sa konsultasyon sa mga doktor, laboratory at radiology services, pharmacy, maternal and child health, family planning, at ligtas na panganganak sa Birthing Facility, hanggang sa Mental Health and Wellness Clinic at Care Point HIV Treatment Hub, patuloy na pinalalawak ng City Health Office ang mga serbisyong tumutugon sa iba’t ibang pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng dedikasyon ng mga doktor, nars, medical technologists, at iba pang healthcare workers, layunin ng City Health Office na matiyak na ang bawat Puerto Princesan ay may agarang akses sa kinakailangang konsultasyon, tamang pagsusuri, epektibong paggamot, at patuloy na pangangalaga.
Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlungsod na ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mamamayan at isulong ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na komunidad para sa bawat Puerto Princesan. #PuertoPrincesaCity #CityHealthOffice
