๐๐”๐„๐‘๐“๐Ž ๐๐‘๐ˆ๐๐‚๐„๐’๐€ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐€๐๐† ๐ˆ๐๐‚๐‹๐”๐’๐ˆ๐•๐„ ๐“๐Ž๐”๐‘๐ˆ๐’๐Œ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐’๐ˆ๐†๐ ๐‹๐€๐๐†๐”๐€๐†๐„ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐†

𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐓𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦𝐨 || 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐂𝐋𝐔𝐒𝐈𝐕𝐄 𝐓𝐎𝐔𝐑𝐈𝐒𝐌 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐆𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐒𝐈𝐆𝐍 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, sa pamamagitan ng City Tourism Department, ang isang mas 𝐢𝐧𝐤𝐥𝐮𝐬𝐢𝐛𝐨 𝐚𝐭 𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐧𝐚 𝐭𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦𝐨 sa lungsod sa pamamagitan ng 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐓𝐨𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦: 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐒𝐢𝐠𝐧 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐮𝐚𝐠𝐞 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫 𝐓𝐨𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐅𝐫𝐨𝐧𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞𝐫𝐬, na isinagawa noong Hulyo 21 hanggang 23, 2026 sa Conference Room 3, PPUR Building.

Nilahukan ito ng 𝟐𝟓 𝐭𝐨𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐟𝐫𝐨𝐧𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞𝐫𝐬 mula sa iba’t ibang sektor ng industriya, kabilang ang mga local tour guides, tourist van drivers, accommodation at hotel staff, at mga kawani ng PPSRNP, na pawang fully compliant tourism frontliners.

Isinagawa ang pagsasanay sa pakikipagtulungan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐨𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐟𝐫𝐨𝐧𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐃𝐞𝐚𝐟 𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐫𝐝-𝐨𝐟-𝐡𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐮𝐫𝐢𝐬𝐭𝐬.

Bukod sa pagkatuto ng mga pangunahing senyas at komunikasyon sa pamamagitan ng Basic Sign Language, layunin din ng training na mapalalim ang kamalayan ng mga kalahok tungkol sa Deaf culture at ang kahalagahan ng pag-unawa, paggalang, at pagbibigay ng pantay na access sa mga serbisyong panturismo.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, mas napaghahandaan ang mga tourism frontliners na makapaghatid ng serbisyong hindi lamang mahusay at de-kalidad, kundi mas magalang, sensitibo, at tumutugon sa pangangailangan ng bawat turista, anuman ang kanilang kakayahan o kondisyon.

Ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na gawing mas accessible, inclusive, at welcoming ang Puerto Princesa para sa lahat. Sapagkat ang isang tunay na world-class tourism destination ay hindi lamang nasusukat sa ganda ng mga tanawin at karanasan, kundi sa kakayahan nitong tanggapin, unawain, at paglingkuran ang bawat bisita nang may dignidad at pagkakapantay-pantay. #CityToursimOffice #PuertoPrincesaCity

Similar Posts