|

ππ€π†πŠπ€πŠπ€π‘πŽπŽπ 𝐍𝐆 π“π‘π€ππ€π‡πŽ, π’π„ππ“π‘πŽ 𝐍𝐆 π‹π€ππŽπ‘ πƒπ€π˜ πŸπŸŽπŸπŸ” 𝐒𝐀 ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€

#𝐂𝐈𝐎𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 || 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐑𝐎𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎, 𝐒𝐄𝐍𝐓𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐁𝐎𝐑 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀

𝐀𝐌𝐈𝐄 𝐁𝐎𝐍𝐀𝐋𝐄𝐒, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Sentro ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ang pagbibigay ng oportunidad sa trabaho sa isinagawang Jobs Fair sa Robinsons Place Palawan nitong Mayo 1, bilang bahagi ng ika-124 na Labor Day celebration.
Sa mensahe ni Emerito Narag, binigyang-diin na ang aktibidad ay sabayang isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa upang mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga job seekers at matugunan ang pangangailangan ng mga employer sa kwalipikadong manggagawa.

Pinasalamatan din niya ang mga pribadong kumpanya at mga ahensya ng pamahalaan na nakiisa sa programa, na aniya’y nagbibigay pag-asa at konkretong pagkakataon sa mga aplikanteng nagnanais mapabuti ang kanilang kabuhayan at kinabukasan.

Naging mas episyente ang proseso ng aplikasyon sa pamamagitan ng one-stop shop services mula sa mga ahensya tulad ng PhilHealth, Social Security System (SSS), at Pag-IBIG, kung saan agad na naasikaso ng mga aplikante ang kanilang mahahalagang dokumento.

Hinimok din ang mga aplikante na maging handa sa pagdadala ng kumpletong requirements gaya ng diploma, transcript of records, at employment certificates upang mapabilis ang kanilang aplikasyon at magkaroon ng pagkakataong ma-hire on the spot.

Sa pagtatapos, hinikayat ni Narag ang patuloy na pagkakaisa at pakikipagtulungan upang matiyak ang mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Demetrio Lopez, alinsunod sa temang: “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng Mas Matatag na Bagong Pilipinas.”

#DOLEPalawan #CityPESO #LaborDay #PuertoPrincesaCity

Similar Posts