
Personal na binigyang pagkilala ni Mayor Lucilo R. Bayron ang natatanging tagumpay ni Maree Giulia Ysabelle G. Somera, isang Grade 8 student ng Holy Trinity University, sa isinagawang flag-raising ceremony sa New Green City Hall Grounds ngayong umaga, Marso 30, 2026.
Si Somera ay nagkamit ng Gold Medal sa Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Pebrero 6 hanggang 8, 2026.
Kinilala ng Alkalde ang kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang patunay ng husay at talino ng kabataang Puerto Princesan sa international stage.
Personal din itong inimbitahan ni Mayor Bayron sa City Mayor’s Office upang makasalo sa almusal, bilang simpleng pagpapahalaga sa kanyang tagumpay at pagkakataong makausap.
Ipinahayag ni Mayor Bayron ang kanyang pagbati at buong suporta sa mga kabataang patuloy na nagbibigay karangalan sa lungsod, at binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan para sa Puerto Princesa.
“Gusto kong batiin ang ating gold medalist sa Math Olympiad. Biro mo, tinalo niya ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa. Congratulations sa iyo,” pahayag ni Mayor Bayron.
