
Pormal na pinasinayaan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang bagong school stage sa Salvacion Elementary School ngayong araw, March 27, 2026, isang proyektong sumasalamin sa patuloy na pagbibigay halaga ng Pamahalaang Lungsod sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan.
Ang bagong entablado ay bahagi ng City Mayor’s Office na Bayanihan sa Barangay, isang programang nagpapatunay na sa simpleng proyekto, maaaring makamit ang malaking pagbabago lalo na kung ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng komunidad.
Sa tulong ng pagkakaisa at dedikasyon ng komunidad, natapos ang proyekto sa loob lamang ng 15 araw mula sa orihinal na 45 araw. Naihabol ang proyekto upang magamit ng mga magsisipagtapos ngayong taon at magsilbing kapaki-pakinabang na pasilidad para sa mga susunod pang henerasyon ng mga mag-aaral.
Sa huli, muling ipinakita ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Bayron na ang tunay na pag-unlad ay nasusukat hindi lamang sa laki ng proyekto kundi sa direktang benepisyong naibibigay nito sa bawat batang Puerto Princesan.
