PPC FEDERATED PTA, NAGPAABOT NG SUPORTA KAY MAYOR BAYRON PARA SA EDUKASYON

Nag-courtesy call kay Mayor Lucilo R. Bayron ngayong araw, Setyembre 15, 2026, sa City Mayor’s Office ang bagong hanay ng mga opisyal ng Puerto Princesa City Federated Parent-Teacher Association (PPCFPTA), sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Arjay Von F. Villeza.

Kasama rin sa pagbisita si Schools Division Superintendent Laida M. Lagar-Mascareñas, CESO VI ng Schools Division of Puerto Princesa City, na nagbigay kay Mayor Bayron ng updates hinggil sa kalagayan ng edukasyon sa lungsod, gayundin sa mga nakatakdang aktibidad at programa ng DepEd Puerto Princesa.

Ibinahagi naman ng mga bagong opisyal ng PPCFPTA ang kanilang mga plano at hangaring maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng mga programa para sa kapakanan ng mga mag-aaral, magulang, at mga paaralan.

“Nandito po kami para magbigay ng courtesy call at ipahayag ang aming suporta sa ating education sector,” pahayag ni Villeza.

Binigyang-diin naman ni Mayor Bayron ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang lungsod, DepEd, mga guro, at mga magulang upang higit pang mapalakas ang kalidad ng edukasyon at suporta para sa mga mag-aaral sa Puerto Princesa.

#MayorLuciloBayron

#PuertoPrincesa

Similar Posts