πŸ‘πŸ‘ πŒπ€π†π’π€π’π€πŠπ€ 𝐀𝐓 πŒπ€ππ†πˆππ†πˆπ’πƒπ€, π“π”πŒπ€ππ†π†π€π 𝐍𝐆 πˆππ’π”π‘π€ππ‚π„ π‚π‹π€πˆπŒ 𝐒𝐀 π‹π”ππ†π’πŽπƒ

#𝐀𝐠𝐫𝐢𝐓𝐚𝐲𝐨𝐃𝐢𝐭𝐨 || 𝟑𝟑 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐒𝐔𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃

𝐍𝐨𝐫𝐦𝐚 𝐋𝐲𝐧 𝐃𝐚𝐯𝐞, 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚

Umabot sa kabuuang halagang ₱196,996.70 ang insurance claims na ipinamahagi sa tatlumpu’t tatlong (33) magsasaka at mangingisda sa lungsod mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Ang naturang tulong pinansyal ay ibinahagi batay sa lawak ng pinsalang natamo sa kanilang mga pananim at mga bangkang pangisda na naapektuhan ng Bagyong Tino noong nakaraang taon. Layunin nito na matulungan ang mga benepisyaryo na muling makabangon at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan. Muling pinaalalahanan ng City Agriculture’s Office ang mga magsasaka at mangingisda na magpatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at mag-enroll sa PCIC ng kanilang mga pananim, sakahan, at mga kagamitang pangisda bilang mahalagang proteksyon laban sa pinsalang dulot ng kalamidad. Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga Barangay Bancao-Bancao, Buenavista, Cabayugan, Maoyon, Langogan, at Lucbuan.

Ang RSBSA ay isang pambansang talaan ng pamahalaan para sa mga lehitimong magsasaka at mangingisda, na nagsisilbing daan upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong at access sa iba’t ibang programa at serbisyong pang-agrikultura ng pamahalaan. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa City Agriculture’s Office o sa inyong mga opisyal ng barangay at barangay technician.

#CityAgricultureOffice #PuertoPrincesaCity

Similar Posts