IKATLONG KWARTER NG MAPAGKALINGANG PROGRAMA, SINIMULAN NA SA MGA RURAL BARANGAY NG PUERTO PRINCESA

#UgnayanSaBarangay || 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐖𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀, 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀

Mula sa kabayanan patungo sa kanayunan, patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ang serbisyo at mga programa nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng Mapagkalingang Programa. Sinimulan ngayong araw ang ikatlong kwarter ng programa sa mga rural barangay ng lungsod, kung saan personal na nakibahagi ang alkalde sa paghahatid ng serbisyo at pamamahagi ng financial assistance sa mga benepisyaryo.

Mula sa pagdalo at pagtanggap ng parangal sa 7th Sports Tourism Awards sa Pasay City kagabi, agad na nagtungo ang alkalde ngayong umaga sa mga barangay ng Maoyon, Lucbuan, Maruyugon, Manalo, Salvacion at Sta. Cruz upang makadaupang-palad ang mga mamamayan.

Sa bawat barangay, mainit ang naging pagtanggap ng mga residente sa alkalde, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod. Kabilang sa mga naghihintay ang mga senior citizen, Persons with Disability (PWD), barangay tanod, solo parent at mga guro, na kabilang sa mga benepisyaryo ng programa.

Tig-₱3,000 allowance ang ipinagkakaloob sa mga kwalipikadong benepisyaryo, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Hindi lamang financial assistance ang hatid ng Mapagkalingang Programa. Kasabay nito ang paglalapit ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mga barangay. 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐨𝐫, 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐫, 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐕𝐞𝐭𝐞𝐫𝐢𝐧𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫’𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, upang mas mapadali para sa mga residente ang pag-access sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

Naging bahagi rin ng programa ang mga pagtatanghal mula sa mga kawani ng Office of the City Engineer at Office of the City Assessor, na naghatid ng dagdag na kasiyahan sa mga dumalo.

Samantala, muling nagpahayag ng pasasalamat ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pagkakataong makasama at makapaglingkod nang personal sa mga nasasakupan. Ayon sa mga konsehal, ang ganitong programa ay nagsisilbing mahalagang tulay upang higit na mapalapit ang pamahalaang lungsod sa mga mamamayan.

𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐉𝐨𝐧𝐣𝐢𝐞 𝐑𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐞𝐳 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐬𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐡𝐢𝐧𝐠𝐠𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐰𝐢𝐭𝐡𝐡𝐨𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐱 𝐧𝐚 𝐢𝐛𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐬 𝐬𝐚 ₱𝟔,𝟎𝟎𝟎 𝐪𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐚𝐥𝐥𝐨𝐰𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐧𝐨𝐧-𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐧𝐞𝐥 𝐧𝐚 𝐛𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚. Kasabay nito ang pahayag na isusulong ang pag-amyenda sa naunang resolusyon upang matiyak na matatanggap nang buo ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang itinakdang financial assistance.

Para sa mga guro, higit na mahalaga ang pagkilala at pagpapahalagang ipinapakita ng pamahalaang lungsod sa kanilang sektor. Bagama’t may kaukulang buwis sa kanilang natatanggap na assistance, itinuturing nila itong malaking tulong sa kanilang mga pangangailangan at isang patunay na kinikilala ng pamahalaan ang kanilang mahalagang papel sa komunidad.

𝐵𝑢𝑘𝑜𝑑 𝑠𝑎 𝑓𝑖𝑛𝑎𝑛𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑎𝑠𝑠𝑖𝑠𝑡𝑎𝑛𝑐𝑒, 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑔𝑖 𝑟𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑈𝑔𝑛𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝐵𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑔𝑖 𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑔-𝑤𝑎𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑙𝑜 𝑛𝑔 𝑐𝑜𝑚𝑚𝑒𝑟𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑟𝑖𝑐𝑒 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑒𝑛𝑒𝑝𝑖𝑠𝑦𝑎𝑟𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑙𝑜 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑏𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑦.

𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐨𝐲𝐨𝐧 — Ugnayan: 558 | Solo Parent: 20 | PWD: 49 | Tanod: 20 | Teacher: 11 | Senior Citizen: 169
Kabuuang Assistance: ₱836,700.00

𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐋𝐮𝐜𝐛𝐮𝐚𝐧 — Ugnayan: 684 | Solo Parent: 10 | PWD: 87 | Tanod: 14 | Teacher: 11 | Senior Citizen: 232
Kabuuang Assistance: ₱1,091,700.00

𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐫𝐮𝐲𝐮𝐠𝐨𝐧 — Ugnayan: 638 | Solo Parent: 13 | PWD: 97 | Tanod: 12 | Teacher: 47 | Senior Citizen: 252
Kabuuang Assistance: ₱1,389,900.00

𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 — Ugnayan: 972 | Solo Parent: 26 | PWD: 84 | Tanod: 20 | Teacher: 34 | Senior Citizen: 320
Kabuuang Assistance: ₱1,543,800.00

𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐥𝐯𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 — Ugnayan: 700 | Solo Parent: 15 | PWD: 68 | Tanod: 20 | Teacher: 9 | Senior Citizen: 162
Kabuuang Assistance: ₱846,300.00

Barangay Sta. Cruz — Ugnayan: 691 | Solo Parent: 12 | PWD: 57 | Tanod: 19 | Teacher: 12 | Senior Citizen: 128
Kabuuang Assistance: ₱716,400.00

Sa pagpapatuloy ng programa sa mga rural barangay, muling pinatutunayan ng Ugnayan sa Barangay at Mapagkalingang Programa na ang serbisyo publiko ay higit na nagiging makabuluhan kapag ang pamahalaan ay hindi lamang hinihintay ng mga mamamayan—bagkus, ito mismo ang lumalapit, nakikinig at kumikilos para sa kanila.

Mula kabayanan hanggang kanayunan, patuloy ang paglapit ng serbisyo para sa bawat Puerto Princesan.

#PuertoPrincesaCity #MapagkalingangPrograma

Similar Posts